Connect with us

Padilla, handang tanggapin ang pagiging presidente ng PDP-Laban

Padilla, handang tanggapin ang pagiging presidente ng PDP-Laban

National News

Padilla, handang tanggapin ang pagiging presidente ng PDP-Laban

Habang patuloy pang tinatalakay sa kanilang partido ay inamin ni Senador Robin Padilla na nakahanda siyang tanggapin ang pagiging presidente ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).

Bagaman wala pa mang opisyal na anunsyo mula sa partido ay inamin na ni Senador Robin Padilla na handa siyang tanggapin ang posisyon ng pagiging presidente nito kung ito nga raw ay makatutulong sa mga Pilipino.

“Ito po ay bumabagsak lang lahat sa harap ko. At kung nakikita ko po na makakagawa ako ng maganda at puwede akong makatulong sa kapwa ko Pilipino ay tatanggapin ko,” ayon kay Sen. Robin Padilla.

Nananatiling chairman ng partido si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang napipinto naman ang pagbibitiw ni Congressman Pepito Alvarez bilang national president ng partido.

Nauna nang sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na inaasahang papalit kay Alvarez si Senador Robinhood Padilla.

Ang pagpapalit ng liderato ay kasunod na rin ng sunod-sunod na pagbibitiw ng ilan sa kanilang mga miyembro.

“Magandang posisyon ang binibigay nila, salamat sa pagtitiwala. Maraming salamat kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa lahat ng bumubuo ng PDP,” dagdag pa ng senador.

Binigyang-diin ni Padilla na ang kanyang pag-upo sa posisyon ay tinatalakay pa lamang sapagkat gusto niyang maging malinaw para sa kanya kung ano ang magiging plano ng partido.

More in National News

Latest News

To Top