Connect with us

PAF chief, bumisita sa Espanya upang palakasin ang ugnayan ng 2 bansa

PAF chief, bumisita sa Espanya upang palakasin ang ugnayan ng 2 bansa

National News

PAF chief, bumisita sa Espanya upang palakasin ang ugnayan ng 2 bansa

Upang mapalakas pa ugnayan ng 2 bansa nagtungo sa Madrid, Spain si Philippine Air Force (PAF) Commanding Officer Lt/Gen. Stephen Parreño.

Dito ay nakipag-pulong ang opisyal sa mga pangunahing pinuno ng militar mula sa Spanish Air and Space Force (SASF) sa pangunguna ni General Javier Saito Martinez-Avial Chief of Staff, SASF.

Sumentro ang usapan ng 2 pinuno ng hukbong panghimpapawid sa pagpapatibay ng kooperasyon at pagpapabuti ng interoperability ng 2 bansa upang maging maayos ang pagharap sa bawat hamon ng bansa.

Ang matagumpay na pagdalaw sa Espanya ni Lt/Gen. Parreño ay patunay ng kahandaan ng PAF na pag-ibayuhin pa ang malalim na ugnayan sa ibang kaibigang bansa na magpapalakas sa pandaigdigang kooperasyon at magkatuwang na paglago ng kakayahan sa larangan ng depensa.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top