Connect with us

PAF na lalahok sa Pitch Black Exercise sa Australia, makukumpleto na ngayong araw

PAF na lalahok sa Pitch Black Exercise sa Australia, makukumpleto na ngayong araw

National News

PAF na lalahok sa Pitch Black Exercise sa Australia, makukumpleto na ngayong araw

Kabuuang 162 Air Force Personnel ang tutungo ngayong araw sa Darwin, Australia upang lumahok sa Pitch Black Exercise 2024.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo ang mga ito ang bubuo sa mga Pilipinong sundalo na lalahok sa nasabing pagsasanay na magsisimula sa Hulyo 12 – Agosto.

Kasabay ng mga sundalo sa pagtungo sa Darwin, Australia ang 2 FA-50 fighter jets na gagamitin sa nasabing pagsasanay.

Ang Pitch Black 2024 ang pinakamalaking Australian at International Military Exercise kung saan tampok ngayong taon ang paglahok ng 20 bansa kabilang ang Pilipinas.

Sa nasabing aktibidad mapapalawak ng mga Pilipinong sundalo ang kanilang kasanayan sa larangan ng operational capabilities gayundin sa pagpapalakas sa international partnership, pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong  at suporta sa seguridad ng mga karatig bansa sa rehiyon.

More in National News

Latest News

To Top