Connect with us

PAF na lalahok sa Pitch Black Military Exercise 2024, nasa Australia na

PAF na lalahok sa Pitch Black Military Exercise 2024, nasa Australia na

National News

PAF na lalahok sa Pitch Black Military Exercise 2024, nasa Australia na

Nasa Darwin, Australia na ang 1 batch ng Philippine Air Force (PAF) na lalahok sa prestihiyosong Pitch Black Military Exercise 2024.

Ayon kay PAF Spokesperson Col Maria Consuelo Castillo, inihatid ng Royal Australian Air Force ang Philippine Contingent sakay ng KC-30 Aircraft.

Ang Pitch Black 2024 ay ang pinakamalaking Australian at International Military Exercise kung saan tampok ngayong taon ang paglahok ng nasa 20 bansa kabilang ang Pilipinas.

Ang aktibidad ay magsisimula sa Hulyo 12 – Agosto 2 at kapapalooban ito ng wide range tactical flying  at large scale operational collective training activities.

Masasaksihan din dito ang paglahok ng mga FA-50 fighter jet ng Air Force na siyang kauna-unahang para sa Pilipinas sa isang International Exercise

Inaasahang darating ang main contingent ng bansa sa Darwin anumang araw ngayong linggo o’ ilang araw bago magsimula ang pagsasanay.

More in National News

Latest News

To Top