National News
PAF, nasa high alert status dahil sa pag-aalburoto ng Kanlaon Volcano
Sa pamamagitan ng 205th Tactical Helicopter Wing Air Assets, rumesponde ang Philippine Air Force (PAF) sa mga lugar na apektado ng pag aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental.
Katuwang ng Philippine Air Force sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang DSWD Region 7 at Office of Civil Defense Region 6.
Katulong sa ginawang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis ang 1 Bell 412 at 1 UH-1H helicopter kung saan layunin nito makita ang sitwasyon sa mga apektadong lugar tulad ng Moises Padilla, La Carlota, La Castellana, Bago City at Canlaon City.
Mahalaga ang assessment sa pangangalap ng impormasyon upang malaman ang danyos at pangangailangan ng mga apektadong lugar
Kaugnay naman sa pangako ng Philippine Air Force na Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HA/DR), inilagay nito ang kanilang Disaster Response Team Units, Fixed-Wing Air Craft at Rotary-Wing Helicopters sa high alert status.
