Connect with us

PAF, patuloy ang ginagawang cloud seeding sa Benguet dahil sa forest fire

PAF, patuloy ang ginagawang cloud seeding sa Benguet dahil sa forest fire

National News

PAF, patuloy ang ginagawang cloud seeding sa Benguet dahil sa forest fire

Mula pa March 2, ay sinimulan na ng Philippine Air Force (PAF) ang serye ng cloud seeding sa Benguet upang maapula ang patuloy na forest fire.

Gamit ng air force ang LC-210 aircraft, matagumpay na naibuhos ng Air Force Weather Group ang aabot sa 1,200 kilo ng asin o katumbas ng nasa halos 50 sako.

Ayon kay Albert Mogol regional director ng Office of Civil Defense ng Cordillera Administrative Region (OCD-CAR) na malaki ang naitulong ng ginawang cloud seeding hindi lang sa pag-apula ng apoy kundi maging sa agrikultura.

“Our cloud seeding operation is very successful I was very surprised on the magnitude of the effects nitong cloud seeding operation natin, una sa agriculture pangalawa of course ‘yung ating pakikipaglaban sa sunog,” ayon kay OCD-CAR, Regional Director, Albert Mogol.

Dagdag pa nito bagamat matagal nang ginagawa ang cloud seeding kailangan parin aniyang pag-ibayuhin ang pagsasagawa nito dahil sa climate change.

“Because of climate change ‘yung ating capability in conducting cloud seeding operation ay dapat pa nating i-enhance,” dagdag pa nito.

Maliban sa cloud seeding nauna nang ginagawa ng PAF ang heli bucket operation na kung saan 2 helicopter nito ang salit-salitang kumukuha ng tubig at binubuhos sa nasusunog na gubat.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Tactical Operations Group 1 sa ilalim ng Tactical Operations Wing Northern Luzon sa lokal na pamahalaan upang agad na maresolba ang naturang problema.

Pangako ng PAF na ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng cloud seeding hanggat hindi naapula ang forest fire sa Benguet.

More in National News

Latest News

To Top