Connect with us

Pag-aangkat ng karne ng Pilipinas hanggang Pebrero, tumaas ng 25% — BAI

Pag-aangkat ng karne ng Pilipinas hanggang Pebrero, tumaas ng 25% — BAI

National News

Pag-aangkat ng karne ng Pilipinas hanggang Pebrero, tumaas ng 25% — BAI

Tumaas ng 25% ang pag-aangkat ng karne ng Pilipinas hanggang sa katapusan ng Pebrero.

Batay sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), ang kabuuang inangkat na karne mula Enero – Pebrero ay umabot sa 237.68-M kilo.

Mataas ito kumpara sa 177.82-M kilo sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang pagtaas ng meat imports sa loob ng 2 buwan ay bunsod ng mataas na pagbili ng baboy, manok, at baka.

Ang baboy ang may pinakamalaking bahagi sa kabuuang volume na umabot sa 124.05-M kilo.

Sumunod ang manok na may 77.31-M kilo habang ang baka ay may 32.39-M kilo.

Ang mga importasyong ito ay nagaganap habang nagpapatuloy ang kampanya ng Pilipinas laban sa pagkalat ng bird flu at African swine fever (ASF).

More in National News

Latest News

To Top