National News
Pag-iingat mula sa dengue, ipinaalala ng DOH
Ipinaalala parin ng Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling maingat laban sa dengue.
Lalong-lalo na anila at inaasahan ang madalas na mga pag-ulan sa susunod na buwan.
Sa kabila ito ayon sa ahensya ng pagkakaroon ng pagbaba sa kaso mula April 21 – May 4, 2024.
Samantala, mula January 1 – May 4 ay mayroon nang 164 na nasawi dahil sa dengue.
