National News
Pag-rescue sa mga mag-aaral sa biglaang pagsasara ng isang paaralan sa QC, tututukan – Cong. Romulo
Tututukan ang pag-rescue sa mga mag-aaral, teaching at non-teaching personnel na na-displaced sa pagsasara ng Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.
Ito ang inihayag ni House Committee on Basic Education and Culture Chairman Rep. Roman Romulo sa panayam ng Sonshine Radio.
Isusunod naman aniya ang pagtalakay sa totoong problema sa biglaang pagsasara ng paaralan kung maresolba na ang apektadong mga mag-aaral.
Kung matatandaan, inanunsyo ng Colegio de San Lorenzo ang kanilang permanenteng pagsasara bunsod ng financial instability na resulta ng COVID-19 pandemic at mababang bilang ng mga nag-eenroll sa nakalipas na mga taon.
Samantala, inumpisahan na ng kamara ang pag-review ng K-to-12 program ng bansa.
Kasunod ito sa mga reklamo na marami pa rin ang hindi nakakapagtrabaho agad pagkatapos nilang makapag-graduate ng K-to-12 program.