Connect with us

Pag-review sa sistema ng SIM registration, iminungkahi dahil sa paglilipana pa rin ng text scams

Pag-review sa sistema ng SIM registration, iminungkahi dahil sa paglilipana pa rin ng text scams

National News

Pag-review sa sistema ng SIM registration, iminungkahi dahil sa paglilipana pa rin ng text scams

Itinutulak ngayon ng Senado ang pag-review ng proseso hinggil sa SIM registration.

Kasunod ito sa nadiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) na maaari palang makapagparehistro ng SIM gamit ang itsura ng mga hayop.

Sa salaysay ni NBI Cybercrime Division Chief Jeremy Lotoc, partikular na ginamit nila sa kanilang pag-aaral ang itsura ng isang nakangiting unggoy.

Dahil dito sabi ni Lotoc, maaaring walang katiyakan na mahahabol ang mga indibidwal na nasa likod ng scams.

Kwestyunable na rin sa panig ng mga mambabatas kung totoo nga bang napipigilan ng SIM Registration Act ang mga pekeng transaksyon.

Sa kabilang banda, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, dapat “common sense” na sa Telco na mai-reject ang SIM card applications na gumagamit ng fake ID.

Sa panig naman ng Telcos, inamin nitong direktang pumapasok sa kanilang system ang applications at hindi nila nai-momonitor ang actual na application process.

More in National News

Latest News

To Top