National News
Pag-terminate ng Pilipinas sa VFA sa Amerika, balewala kay US Pres. Trump
Balewala kay US President Donald Trump ang hakbang ng Pilipinas na .
Sa halip ay nagpasalamat pa si Trump sa desisyon dahil mas makatitipid aniya ng malaking pera ang Amerika.
Sa kabila naman ng pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa VFA, sinabi ni Trump na nananatiling maganda ang relasyon nila ng Pangulo.
Kaugnay nito, tinawag namang ‘unfortunate’ ni US Defense Secretary Mark Esper ang pasya ng Pilipinas.
Para naman kay US State Assistant Secretary Clarke Cooper, malalagay sa alanganin ang mga aktibidad gaya ng joint military exercises at bilateral engagements ng Pilipinas at Amerika kung wala ang VFA.