Connect with us

Pag-water cannon sa barko ng Pilipinas, dapat na umanong idulog sa UNCLOS – dating Supreme Court Justice

Pag-water cannon sa barko ng Pilipinas, dapat na umanong idulog sa UNCLOS - dating Supreme Court Justice

National News

Pag-water cannon sa barko ng Pilipinas, dapat na umanong idulog sa UNCLOS – dating Supreme Court Justice

Hinikayat ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang pamahalaang Pilipinas na dalhin na sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang huling insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Justice Carpio na ito lamang ang ligal na hakbang na maaaring gawin ng Pilipinas upang pigilan ang China sa sunod-sunod na panghaharas at ang UNCLOS lang anya ang tamang venue upang igiit ng Pilipinas ang ating soberenya.

Hindi rin daw dapat maduwag ang ating bansa dahil nakikita ng international community kung papaanong harassment ang ginagawa ng mga Tsino sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, nauna ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigit na sa 100 na diplomatic protest ang naisampa ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa China dahil sa mga mararahas na aksyon nito laban sa mga sasakyan pandagat ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top