Connect with us

Pagbaba ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway, pinangunahan ni Pang. Duterte

Personal na sinaksihan ni Pang. Duterte ang pagbaba ng Tunnel Boring Machine (TBM) para sa kauna-unahang Metro Manila Subway project sa bansa.

National News

Maging ang train demonstration at pag-unveil ng Philippine Railways Institute (PRI) Interim Simulator Training Center ng Metro Manila Subway Project (MMSP) sa MMSP depot, brgy. Ugong, valenzuela city nitong linggo, Araw ng Kalayaan.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Japanese government sa pagpondo sa Metro Manila Subway sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at sa pagsuporta sa maraming programa ng gobyerno.

Sinabi din ng pangulo na handog niya ang nasabing proyekto sa mga biyahero sa Metro Manila na siguradong makapagbibigay ng kaginhawaan sa mga ito.

Ang Metro Manila Subway ay isang underground subway system na may habang 33 kilometro na nagdudugtong mula Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3 sa Pasay City at mapabibilis ang travel time mula Quezon City hanggang naia mula 70 minuto papuntang 35 minuto.

Oras na makumpleto ang Metro Manila Subway Project, tinatayang makakapagserbisyo ito ng lagpas 370,000 pasahero kada araw.

More in National News

Latest News

To Top