Connect with us

Pagbaba ni Marcos Jr. sa puwesto, ipinanawagan ng iba’t ibang sectoral group

Pagbaba ni Marcos Jr. sa puwesto, ipinanawagan ng iba't ibang sectoral group

National News

Pagbaba ni Marcos Jr. sa puwesto, ipinanawagan ng iba’t ibang sectoral group

“Marcos alis diyan! Marcos alis diyan!”

Iyan ang panawagan ng iba’t ibang sectoral group na nagtipon sa Quezon City ngayong araw ng Lunes, ika-27 ng Mayo.

Mula sa mga lider ng mga grupo ng mga kababihan, mga kabataan, mga Muslim, mga dating kadre, mga blogger at iba pang sectoral group na sumuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong eleksyon, iisa ang kanilang sigaw ngayon…

“Alis diyan! Marcos alis diyan!”

Dahil diyan ay nabuo ang “Marcos Alis Diyan Movement.

“Punong puno na ang salup ng taumbayan. Hindi na puwede na magpapatuloy itong pangigipit, itong pang-aapi, at pagsusupil sa demokrasya ng tinawatag natin ‘yung graven dictatorship ni Bongbong Marcos Jr.,” ayon kay Organizer, Marcos Alis Diyan, Ben Ranque.

Dagdag pa ni Ben Ranque, isa sa mga organizer ng Marcos Alis Diyan Movement, kasalukuang nakararanas ng leadership crisis ang bansa.

“Sa Malacañang ang namumuno ay wala na sa kaniyang pag-iisip. Walang kwentang tao. Walang kwentang lider. Ngayon nagsasalita ng oo, bukas nagsasalita ng hindi. Mapahamak ang bayan natin, ang bayang Pilipinas,” dagdag pa nito.

Para sa ating mga kapatid na Muslim, hindi na karapat-dapat na mamuno si Marcos Jr. dahil sa mga napabayaang mga suliranin at walang konkretong solusyon sa mga ito lalo na sa iniindang kahirapan ng maraming Pilipino.

“Ramdam na ramdam ko po, 100 percent ang sobrang paghihinagpis, sobrang paghihirap ng mga kapwa kong mga Muslim na nandito para maghanap-buhay.”

“Bongbong Marcos, nakikusap po kami bilang representative ng Muslim ladies, utang na loob po, umalis na po kayo diyan. Sobrang taghirap na po sa panahon ngayon,” ayon naman kay Representative, Bangsamoro Ladies, Zaira Ampuan.

Pinangangambahan naman ng sektor ng kabataan na Bantay Masa Group ang magiging kalagayan ng bansa kung hahayaan pa ring pamunuan ni Marcos Jr ang bansa.

“Kung di pa po siya bababa sa kaniyang pwesto, nakikita ko po sa darating na panahon parang mas lalala ang kalagayan ng Pilipinas. Lalala ang kalagayan ng mga kabataan na naghahangad ng kapayapaan. Pero sa kaniya, ang iniisip niya lang ay sariling kapakanan,” saad ni Youth Sector Representative, Bantay Masa Group, Sherwin Nicdao.

Naglabas din ng saloobin ang Moro National Liberation Front (MNLF) laban sa pangulo matapos na hatulang guilty ang kanilang lider na si Nur Misuari na isa raw’ng uri ng panggigipit mula sa kasaluyang administrasyon.

Walang nga umanong utang na loob si Marcos Jr. matapos na tumulong ang MNLF sa kaniyang pagkapanalo nitong eleksyon.

“He is innocent.”

“Bigla na lang lumitaw despite na pagtulong sa aming mahal na chairman itong kay BBM na ito sa kaniyang candidacy during the campaign.”

“Very clear na ang administrasyon ito ay traydor,” pahayag ni Secretary General, Political Mobilization – MNLF, Rolando Aziz Monk Olamit.

Para naman sa dating kadre na si Peter Mutuc, isa sa mga napabayaan ng Marcos administrasyon ay ang seguridad ng bansa dahil sa pagbalik na muli ng iligal na droga at krimen.

Nawala na nga raw ito noong Duterte administration pero ngayon ay muli itong namamayagpag.

“Ngayon po bumabalik iyan. President BBM dapat alam ninyo iyan. Iyan ang mga bagay at ‘yung ipinangako ninyo.”

“Itong inilunsad na ito na Marcos Alis Diyan, huwag niyo pong balewalain ito. Ang EDSA ang tatay ninyo, kayo ay napatanggal, napaalis kayo,”

“Delikado ito. Sapagkat ang pag-uusap na ito ay makakarating sa buong mundo,” ayon kay Dating Kadre ng CPP-NPA-NDF, Peter Mutuc.

Pagbibigay diin ng isa pang kadre na si Jeffrey Ka Eric Celiz, lumalawak at lumalakas ang sentimiyento ng mamamayan tungkol sa hindi mabuting pamamalakad ng gobyerno ni Marcos Jr.

Aniya, lumalabas na nauulit ang daloy ng mga palatandaan ng kasaysayan noong EDSA one kung saan si dating Pangulong Ferdinand Marcos Senior ay hinatulan ng sambayanang Pilipino at pinalayas sa Malacañang.

“Huwag niyang hintaying lumala pa ang mga krisis ng politika at ekonomiya at muling aalsa ang taumbayan upang bawiin ang kapangyarihan sa kaniya. He needs to listen to the people otherwise ang kasaysayan ang hahatol muli sa kaniya. And these time around it will happen again, maybe it will be cruel than the first history na humatol sa kaniyang ama,” ani Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

More in National News

Latest News

To Top