National News
Pagbabalik-operasyon sa sektor ng agrikultura, manufacturing at construction, inirerekumenda
Inirerekumenda ngayon ni Senator Cynthia Villar sa gobyerno na ibalik na muna ang operasyon sa sektor ng agrikultura, manufacturing at construction sa gitna ng lockdown.
Ito aniya makatutulong para maiwasan ang gutom at dahas sa panahong ito na napalawig pa nang kalahating buwan ang umiiral na enhanced community quarantine.
Ani Villar maiiwasan ang kakulangan sa suplay ng mga masusustansya at preskong pagkain kung may mangangasiwa na muli sa mga taniman at food manufacturing company.
Samantala, makatutulong din aniya ang balik-operasyon sa mga construction workers na nababayaran lang ng arawan at walang napagkukuhanan ng pera dahil sa ‘no work, no pay’ policy.
Ani Villar, sa panahon na nagugutom na ang mga tao, hindi imposibleng gumawa ang mga ito ng krimen o iligal na gawain kung hindi matutugunan nang mabilis ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan.