National News
Pagbabanta ng baril laban sa riders, paiimbestigahan sa Kamara
Paiimbestigahan nina 1-Rider Party-list Representatives Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita ang mga insidente ng pagbabanta ng baril laban sa mga naka-2 wheels, partikular na iyong piskal at dating pulis na bumunot ng mga baril laban sa isang rider at siklista.
Saad ng mga kongresista, hindi ito ang unang pagkakataon na may riders at siklista na nabiktima ng pang-aabuso.
“This is not an isolated incident. Kung may mga opisyal na mapang-abuso sa riders, hinding hindi ito palalampasin ng 1-Rider Party-list,” pahayag ni Rep. Gutierrez.
Salik sa House Resolution 1231, inaatasan ang House Committee on Justice and Public Order and Safety na imbestigahan ang insidente in-aid of legislation upang mapalakas at mabigyan ng bagong pangil ang batas para proteksyunan ang riders mula sa ganitong paninindak.
Idiniin ng 1-Rider Party-list sa resolusyon na primaryang tungkulin ng gobyerno ang pagprotekta sa mga mamamayan, lalo na para sa mga rider at siklista sa mga kalsada.
