National News
Pagbabawal ng improvised at temporary plates, sa Disyembre na
Inilipat na ng Land Transportation Office (LTO) ang deadline ng pagbabawal ng paggamit ng improvised at temporary plates para sa motor vehicle owners.
Sa bagong anunsyo, sa Disyembre 31, 2024 na ang implementasyon imbis na nitong Setyembre 1.
Samantala, sa ngayon ay ibinahagi na rin ng LTO na wala na silang backlog ng license plates sa four-wheel vehicles.
Sa ngayon ang backlog nalang ay para sa motorcycle plates.
