Metro News
Pagbabawas sa excise tax sa langis, solusyon sa oil price hike – oil industry player
Epektibo nitong Martes ang malakihang matapos ang ilang linggong rollback sa presyo ng petrolyo.
Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, mahigit P6.00 ang increase sa presyo ng diesel.
Higit piso sa gasoline at higit P3.00 sa kerosene.
Sa naunang limang sunod na linggo na may rollback, umabot sa halos P9 ang nabawas sa presyo ng diesel, higit P5 sa gasolina at halos P10 sa kerosene.
Para masolusyunan, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong bawasan ang excise tax habang tumataas ang presyo ng gasolina.
Sa pananaw ng isang oil industry player, ito marahil ang solusyon sa unstable na presyuhan sa langis.
“Alam mo double whammy ‘yan eh. Kasi pinataas na nga ‘yung excise tax now habang tumataas pa ‘yung presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado siyempre yung percentage ng excise tax tumataas din dahil tumataas yung presyo eh so nado-double warrant yung mga Pilipino. Kaya if there is a such a bill I hope it is supported by the other members of Congress,” ani Atty. Bong Suntay, Pres. Cleanfuel.
Pinabulaanan din ni Suntay na kumikita ng malaki ang oil players kapag may malakihang price hike.
Dahil ang totoo, hindi nila ito magagawa sapagkat tinutumbasan lamang nila ang kapital na pinambili ng langis sa world market sa pagpe-presyo ng mga produkto.
‘Yung mga iba iniisip ah okay ‘yan pagmataas ang presyo ng gasolina kumikita yung mga petroleum companies that’s not true. The margin remains the same. Ang tumataas dun ‘yung kapital na kailangan mo para bumili ng produkto. Isipin doble na ngayon eh. Kunyari ang P1 bilyon mo dati makakabili kunyare ng 10milyong litro, eh ngayon ang P1 bilyon mo kalahating milyon na lang ang mabilili dahil dumoble na ‘yung presyo,” dagdag pa nito.
Bilang diskarte, ginagawan ng paraan ng Cleanfuel na makontrol ang pagtaas sa presyo ng langis na hindi ito maipasa sa consumer.
Bagkus, kahit may oil price hike, ay may rollback naman sila sa Auto LPG.
Hindi lamang basta rollback dahil P1.40/L ang kanilang bawas.
Sa huli, umaasa si Atty. Suntay na malalagpasan ng administrasyon ang hamong dala ng mataas na presyo sa langis.
Bilang katuwang ng pamahalaan sa hangarin na mapagaan ang pasanin ng mga motorista sa pang araw-araw.