COVID-19 UPDATES
Pagbagal ng internet service sa bansa, asahan na ayon sa DICT dahil sa COVID-19
Asahan na ang posibleng pagbagal ng internet service sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio, ang pagbagal ng internet service ay resulta ng pagdami ng mga gumamit nito ngayon dahil sa bantang dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Kalimitan anya ngayon ay nagwo-work from home bukod pa ang sa mga taong nais mag-access sa mga impormasyon.
Inamin ni Rio na hindi pa handa ang Telecom infrastracture ng bansa kontra sa pagdami ng mga internet users.
Gayunman, tiniyak ni Rio na malabong mag-crash ang internet service dahil may precautionary measures naman ang mga nternet service provider.