National News
Pagbagsak ng stock market, piso kontra dolyar, posibleng magpabagsak sa Marcos admin – ekonomista
Bagsak ang stock market at ang palitan ng piso kontra dolyar.
‘Yan ang pahabol sa atin bago matapos ang linggong ito.
Ngayong linggo, pumalo ito sa P59 kada dolyar.
Ito ang pinakabagsak na halaga ng peso sa Marcos Jr. administration.
Bukod diyan, bumagsak din ang stock market sa 89.93 points o 1.38%.
Isa rin ito sa mga pinakabagsak sa kasaysayan ng Philippine stock market.
Bagay na nakababahala dahil makaka-impluwensya ito ng malaki sa pag-atras ng mga investor sa bansa.
Ayon sa ekonomistang si Dr. Michael Batu, malaki ang kinalaman dito ng political climate sa Pilipinas.
Kabilang na diyan ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea WPS).
“I think ‘yung political situation diyan sa Pilipinas isama niyo pa ‘yung geopolitical risk because of our relationship with China. I think it’s finally taking its toll in its manifesting na sa state ng financial market sa ating bansa,” ayon kay Ekonomista, Dr. Michael Batu.
Gagalaw ang Bangko Sentral ng Pilipinas para agapan ang epekto nito sa ekonomiya.
Pero ani Dr. Batu, asahan na mas tataas ang inflation, magmamahal lalo ang presyo ng mga bilihin at lalala ang krisis sa bansa.
“Ayaw nilang palagpasin ng P60 sa kada US dollar ang palitan. So ibig sabihin, lumalabas po ‘yung dollars kaya ang nangyayari nagi-intervene ang Bangko Sentral. So, ang ibig sabihin nito Atty. Kapagka lumalakas ang dolyar, nagmu-mura ang piso… nagmamahal po ‘yung mga inaangkat natin. Lalong-lalo na po pagkain, at produktong petrolyo,” dagdag pa nito.
Pangalawang pagkakataon na naging ganito ang ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Naunang bumagsak ang palitan ng piso kontra dolyar noong November 7, 2022.
Nagbabala naman si Batu na ang posibleng ikabagsak ng Marcos Jr. administration ang mga nangyayari ngayon sa ekonomiya.
Dahil lalong pagkagutom ang idudulot nito sa mga Pilipino.
“Itong mga ganitong nangyayari na sumasadsad ‘yung exchange rate, sumasadsad ang stock exchange, merong inflation, diba magkakaroon ng kahirapan, kagutuman… Ito po ‘yung mga necessary conditions para sa societal upheaval. Kumbaga nagkakaroon ng diskontento ang mga tao,” ani Batu.
Saad ni Batu, posible ring sapitin ng administrasyon ang nangyari sa mga lider noong Asian financial crisis sa huling mga yugto ng 1990’s.
‘Yan ay kung walang matinong solusyon ang economic team ng pamahalaan.
At sasandal lamang sa tinawag ni Batu na textbook economics mga economic forecast na malayo sa tunay na nangyayari sa ground.
“Kung hindi nila to pagtutuunan ng pansin MJ ano, dalawang beses nangyari ‘yan noon pero alam naman natin pag nag tuloy-tuloy pa ito, ay malamang this government will have the same fate as what happened with Indonesia in 1998,” aniya.