Connect with us

Pagbaha sa San Miguel, Bulacan dulot ng bagyong Karding, mas malala kung wala ang Sierra Madre

Pagbaha sa San Miguel, Bulacan dulot ng bagyong Karding, mas malala kung wala ang Sierra Madre

National News

Pagbaha sa San Miguel, Bulacan dulot ng bagyong Karding, mas malala kung wala ang Sierra Madre

Matagal nang binabaha ang bayan ng San Miguel sa Bulacan.

Pero ayon sa lokal na pamahalaan, ito ang kaunaunahang pagkakataon na kanilang naranasan ang lagpas tao na baha.

Mas malala pa raw ang baha kung wala ang mga bulubundukin ng Sierra Madre na bumasag at nagpahina sa bagyong Karding.

Ang bayan ng San Miguel ang itinuturing na isa sa pinakamantiding sinalanta ng bagyo.

Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa higit 52,000 na pamilya ang apektado ng bagyo o katumbas ng higit 189,000 na indibidwal.

Dahil dito, ipananawagan ng lokal na pamahalaan ang pangagalaga sa mga naturang kabundukan.

Nais ng LGU na bigyang prayoridad ng mga mambabatas ang pagprotekta sa Sierra Madre.

Ipinanawagan niya rin ang kooperasyon ng mga mamamayan.

Samantala, tutukan din ng San Miguel LGU ang paglilinis o paged-dredging ng mga ilog sa bayan upang mabilis na humupa ang tubig tuwing bumabaha.

Matatandaan na ipinanalangin din ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, sa kaniyang live program ang kaligtasan ng lahat ng maapektuhan ng bagyo, na hindi ito maging mapaminsala katulad ng bagyong Yolanda.

More in National News

Latest News

To Top