Connect with us

Pagbalewala sa mga banta sa kaniyang buhay, inirereklamo ni Cong. Teves

Pagbalewala sa mga banta sa kaniyang buhay, inirereklamo ni Cong. Teves

National News

Pagbalewala sa mga banta sa kaniyang buhay, inirereklamo ni Cong. Teves

Inirereklamo ngayon ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves ang para sa kaniya’y pagbalewala ng House Committee on Ethics sa mga banta sa kaniyang buhay.

Ito ang sinabi ni Teves sa isang online press conference kung saan inirereklamo nito ang pagwawalang bahala raw sa kaniya ni House Ethics Panel Chairman Felimon Espares.

Saad nito, kagabi pa siya nag-rerequest na makadalo sa hearing ng ethics panel ngayong araw, Mayo 29, at nag-follow up ito sa kaniyang request kaninang umaga matapos mag-text kay Espares.

Pero hanggang sa ngayon aniya ay wala pa ring zoom link na natatanggap si Teves para makasali sa hearing upang ipaliwanag ang kaniyang panig.

Sa halip ay pinagsusumite raw ito ng written reply sa komite.

Saad ng mambabatas na tiyak magiging ‘one-sided’ ang pagdinig kung hindi siya papayagang dumalo dito.

Si Teves ay nadadawit bilang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kakatawanin naman si Teves ng kaniyang lead counsel na si Atty. Ferdie Topacio sa pagdinig ng ethics panel.

Sa huli, nanindigan si Teves na wala pa namang kaso laban sa kaniya kaya bakit raw ito pinipilit ng ethics panel na umuwi ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top