National News
Pagbaliktad ng mga testigo laban kay De Lima, hudyat ng pagbabalik ng mga drug lord sa bansa – Belgica
Binawi ngayong araw, Mayo 2, ng former officer in charge ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Rafael Ragos ang mga testimonya nito laban kay detained Senator Leila De Lima.
Ani Ragos, siya ay tinakot lamang ni para gumawa ng maling alegasyon laban kay De Lima.
Kaugnay nito, humihingi ng tawad si Ragos kay De Lima sa pagtestigo laban dito dahilan kung bakit nakakulong ngayon ang senador sa isyu ng drug trade sa bilibid.
Bukod kay Ragos, naunang binawi ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang pagdiin niya noon kay De Lima.
Aniya, pinuwersa umano siya at tinakot ng mga pulis kaya kumanta siya laban kay De Lima.
Ngunit sa kabila ng mga nangyari, giit ng senatorial candidate na si Greco Belgica na hindi maiaalis ang involvement ni De Lima sa illegal drug trade sa kabila nag pagbaliktad ng mga testigo.
“Hindi po, she has to prove that. Unang-una, si Espinosa is not a state witness to De Lima’s case to imaterial po yung kanyang recantation,” ani Belgica.
Basa rin dito ni Belgica, ang pagbaliktad ng mga testigo laban kay De Lima ay hudyat ng napipintong pagbabalik operasyon ng mga durugista sa bansa.
Lalo na ngayon at patapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Nagkampihan na si De Lima at Espinosa or si Kerwin ay nagkampihan na po. You know si Kerwin gustong makalaya tapos dini-ny na lahat ng kanyang allegations. Ganyan po talaga ang adik, ganyan kadumi ang droga magbabaliktaran ‘yan,” dagdag pa nito.
Kaya kung manalong senador, siniguro ni Belgica na maibabalik ipagpapatuloy niya sa Senado ang drug war ni Pangulong Duterte.
“Iyang mga ‘yan baka nalilimutan po ninyo ang ginawa ng droga sa ating bayan. Baka nalilimutan niyo yung mga bahay na sinunog, mga tatay na pinatay/ni-rape ang sariling anak. Mga anak na pinatay ang kanilang mga lolo’t lola at ang kanilang mga magulang, magulo ang bahay. Baka nalilimutan niyo po yang mga yan dahil 6 years pinigilan ni Pangulong Duterte ‘yan. Pagbaba ni Pangulong Duterte, balikan po ‘yan nakikita na natin nagsanib-pwersa na naman to si Espinosa at De Lima,” dagdag pa ng senatorial candidate.
