Connect with us

Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP, walang epekto – DOJ

Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP, walang epekto – DOJ

National News

Pagbasura ng Manila RTC sa petisyon na ideklarang terorista ang CPP, walang epekto – DOJ

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Boying Remulla na walang epekto sa laban nila sa CPP-NPA ang naging desisyon ng Manila RTC.

Matatandaan na kamakailan ay ibinasura ng korte ang petisyon ng DOJ na ideklara ang CPP-NPA bilang teroristang grupo.

Ayon kay Remulla sa panayam ng SMNI, lumalabas na moot ang naging desisyon ng Manila RtC dahil paso na ang Human Security Act na ginamit ng korte sa pagdedesisyon.

Ang naunang petisyon ng gobyerno ay isinampa noong 2018 sa ilalim ng Human Security Act.

Sa ngayon plano ng DOJ na maghain ng panibagong Proscription Case sa Court of Appeals.

May be an image of 3 people, people sitting and people standing

Aniya sa Court of Appeals tamang mai-file at maidinig ang kaso dahil sa pagkakapasa ng Anti-Terror Law noong taong 2020.

Pag-aaralan pa ng DOJ kung maghahain pa sila ng Motion For Reconsideration sa naging desisyon ng Manila RTC.

Ayon kay Remulla, baka aniya hindi na kailangan dahil wala na nga sa hurisdikyon ng Regiona Trial Court ang pagdinig para sa proscription case dahil sa Anti-Terror Law.

Pero hirit ni Remulla, dapat maging malinaw sa kanila kung ano ang pinagbasehan ng desisyon ng Manila RTC.

“Pero nakakapagtaka lang, ‘yung attitude ng korte sa desisyon na kanilang sinulat sapagkat experty po ito eh. Hindi po nagparticipate ang CPP-NPA sa pagdinig ngunit pagdating ng desisyon, para bang napakalaki ng dinedepensahan pa ng korte ang CPP-NPA, doon po ako nagtataka. Facts natin, ‘yung mga evidence, ‘yung mga bagay na hindi naman napag-usapan sa paglilitis ay lumalabas sa desisyon. Matters that proven in court, lumalabas sa desisyon, so, ano ba naman ang ibig sabihin no’n? Saan kinuha ng nagsulat ng desisyon ang kasaysayan ng lahat ng CPP-NPA? Kung marami dito ay hindi napag-usapan sa korte.  Pati ‘yung mga issue na not brought up in the court, ay diniscuss niya. Pati red tagging ay pinag-usapan. Eh hindi naman ito kasama sa idinedemanda or nakabinbin sa korte. Kaya magtataka po tayo, ano po ang (critics) nito? Talaga bang supportive siya dito sa CPP-NPA sa kanyang pagdesisyong ito,” ani Remulla.

Nagtataka naman si Remulla kung bakit lumabalabas na pinagtatanggol ng korte ang kalaban ng estado.

Sa mahigit na 100 pahina na desisyon ni Manila RTC Branch 19 Presiding Judge Marlo Magdoza-Malagar, sinabi nito na walang naipakitang matibay na ebidensya ang gobyerno para sabihin na terorista ang CPP-NPA.

Ang armed struggle umano ng mga komunista ay hindi matatawag na terrorist act kundi isang uri lamang ito ng programa upang depensahan ang kanilang idolohiyang ipinaglalaban.

 

More in National News

Latest News

To Top