National News
Pagbawi ng Kamara sa 2020 General Appropriations Bill, hindi dapat ikabahala ayon sa isang Mambabatas
WALANG dapat na ikabahala sa ginawang mosyon na i-withdraw ang first reading ng General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020.
Ito ay matapos ipag-utos ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab ang paghahain sa plenary para sa first reading noong Miyerkules para sa 2020 GAB na bigla namang pinabawi ni House Deputy Speaker For Finance Lray Villafuerte.
Ayon kay Villafuerte, procedural matter lamang ang dahilan kung bakit niya pina-withdraw ang House Bill 4228.
Paliwanag ng Mambabatas, patuloy pa ang budget presentation ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaya hindi pa maaring maghain ng panukalang batas para sa 2020 budget.
Sa ilalim ng rules kailangan munang matapos ang budget briefing ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa Kamara bago maghain ng panukalang bugdet sa susunod na taon.
