Connect with us

Pagbebenta ng pink salmon at imported pampano sa mga palengke, hanggang Dec. 4 na lang

Ininspeksyon ngayong araw ng BFAR ang ilang palengke sa Metro Manila upang masawata ang iligal na bentahan ng mga imported na isda.

National News

Pagbebenta ng pink salmon at imported pampano sa mga palengke, hanggang Dec. 4 na lang

Ininspeksyon ngayong araw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang palengke sa Metro Manila upang masawata ang iligal na bentahan ng mga imported na isda.

Sa pag-iikot ng BFAR, ipinaalam na ang pagbebenta ng pink salmon at imported pampano ay ipinagbabawal na sa wet markets.

Nilinaw ng ahensya na ang permit para sa salmon at pampano ay para lang sa industrial users gaya ng canneries, hotels at restaurants.

Ayon sa BFAR, ang lahat ng isdang imported sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 195 ay para lamang sa canning industry at institutional buyers.

Mayroon naman hanggang Dec. 4 ang mga retailer ng imported pink salmon at pampano sa Commonwealth Market na ibenta ang kanilang paninda.

More in National News

Latest News

To Top