National News
Pagbibigay ng ₱1,000 kada tao o maximum ng ₱4,000 kada pamilya sa mga nasa ECQ areas, aprubado na ni Pang. Duterte
Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng ayuda sa mga low-income individual at pamilya na kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makakatanggap ng ₱ 1,000 kada tao ang mga eligible beneficiaries sa ECQ areas.
Habang nasa maximum na ₱4,000 naman ang matatanggap ng kada pamilya mula sa DSWD.
Ang Iloilo City, Iloilo Province, Cagayan De Oro City at Gingoog City ay nakasailalim sa Ecq mula Hulyo A-16 hanggang ika-7 ng Agosto .
