Connect with us

Pagbibigay ng 14th month pay, muling isinulong sa Kamara

Pagbibigay ng 14th month pay, muling isinulong sa Kamara

National News

Pagbibigay ng 14th month pay, muling isinulong sa Kamara

Isinusulong ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang pagkakaroon ng 14th month pay para sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Ron Salo na naibibigay na ito sa mga empleyado ng gobyerno ngunit hindi 14th month pay ang tawag.

“Marami naman po sa mga iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan. Halos nagbibigay na po ito, kaya lang iba iba po ‘yung tawag at nangyayari hindi po siya nagiging—pare pareho, iba iba lang ‘yung katawagan at the same time hindi uniform. Nais po natin sa gobyerno ay tawagin po nating 14th month pay para across the board uniform sa lahat po ng mga ahensya ng ating pamahalaan,” ani Cong. Salo.

Saad pa ni Salo, may mga ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng iba’t-ibang bonuses sa kanilang mga empleyado.

Ngunit may ilang ahensya naman ng gobyerno na hindi nagbibigay ng bonuses sa kanilang mga empleyado kaya isinusulong ni Cong. Salo na maging patas at magkaroon lahat ng bunos ang mga empleyado ng gobyerno.

“Syempre, ‘yung mga iba mas mapagbigay na mga kompanya, mas malaki po ‘yung binibigay nila doon sa kanilang mga empleyado pero doon sa mga iba naman talagang maaaring sabihin nilang gipit o kaya’y rason po para ipitin qoute and qoute hindi maging maramot po yung kompanya kaya hindi nila ibinibigay,” dagdag pa ng kongresista.

Sakop din ng panukala na ito ni Cong. Salo ang mga empleyado ng mga pribadong sektor.

Umaasa naman si Cong. Salo na maisabatas ang panukalang 14th Month Pay Law ngayong 19th Congress na una nitong inihain noong 17th Congress.

  • Pagbibigay ng 14th month pay, muling isinulong sa Kamara
  • Pagbibigay ng 14th month pay, muling isinulong sa Kamara

More in National News

Latest News

To Top