Connect with us

Pagbibigay ng cash aid ng DOLE at DSWD, pinamamadali na ni Sen. Bong Go

Pinaalalahanan ni Senator Christopher Bong Go ang  Philippine Statistics Authority na dapat masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng Philipine Identification System  para maiwasan na ang mga fraudulent transactions at misrepresentation at mapabuti na ang paghahatid ng essential government  services.

National News

Pagbibigay ng cash aid ng DOLE at DSWD, pinamamadali na ni Sen. Bong Go

Pinamamadali na ni Sen. Bong Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng cash aid sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Go na siyang chairman ng senate committee on health na mahirap maging mahirap sa ganitong panahon lalo na ang mga tumigil sa trabaho, walang pambili ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Paki-usap pa ng Senador na huwag na sanang haluan pa ng pamumulitika ang distribusyon ng cash assistance.

Sa ngayon ani Go ang dapat mangyari ay maipaabot ng tama at pantay-pantay ang tulong pinansyal sa lahat lalong-lalo na sa mga pinakamahihirap.

Dagdag pa ng Senador na malinaw sa Bayanihan To Heal as One Act na wala itong pinipiling tinutulungan.

More in National News

Latest News

To Top