National News
Pagbibigay ng student visa sa mga dayuhan, dumaan sa tamang proseso – Immigration
Nanindigan at iginiit ng Bureau of Immigration (BI) na masusing pamamaraan ang pinagdaanan ng mga estudyanteng dayuhan bago nakakuha ng visa kabilang na ang mga Chinese na nasa Cagayan.
Ipinaliwanag ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na ang proseso sa pagkuha ng student visa ay sa pamamagitan ng pagtungo sa embahada o konsulado ng Pilipinas kung saan residente ang dayuhan.
Ang ikalawa aniya ay pagpasok sa bansa bilang turista at ang paaralan kung saan sila mag-aaral ang magpepetisyon para mabigyan sila ng student visa.
Matapos niyan ay isasalang pa aniya iyan sa validation ng Commission on Higher Education (CHED) at Bureau of Immigration at kapag naisapinal na ang documentation ay saka pa lang ipapatawag ang dayuhan para sa biometrics.