Connect with us

Pagbibitiw ni QCPD Chief Nicolas Torre, pag-aaralan pa – chief PNP

Pagbibitiw ni QCPD Chief Nicolas Torre, pag-aaralan pa – chief PNP

National News

Pagbibitiw ni QCPD Chief Nicolas Torre, pag-aaralan pa – chief PNP

Hindi muna tatanggapin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang courtesy resignation ni QCPD District Director Police Brigadier General Nicolas Torre III.

Sinabi ni Acorda na pag-aaralan muna niya ito kasama sina Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Acorda, isang magandang hakbang ang ginawa ni Torre na nagpakita ng “delicadeza” sa gitna ng isyu.

Aminado naman ang chief PNP na hindi niya agad tinanggap ang pagbibitiw ni Torre dahil sa accomplishment nito sa QCPD lalo na ang paglaban sa krimen.

Si Torre ay pinutakte ng puna ng mga netizen sa tila pag-aabugado nito sa dating pulis na si Wilfredo Gonzales na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan.

More in National News

Latest News

To Top