National News
Pagbisita ni Sen. Gordon sa drug convict sa bilibid, kinuwestyon ni Atty. Gadon
Kinuwestyon ni Atty. Gadon ang pagbisita ni Sen. Richard Gordon sa drug convict sa bilibid.
Kasunod ito sa lumabas na mga larawan na magkasama sina Gordon at yumaong convicted drug lord na si Jaybee Sebastian.
Sa nasabing mga larawan, makikitang nagkadaupang palad ang dalawa at personal na nagkukuwentuhan.
Tanong ni Gadon, anong ginagawa ni Gordon sa kubol ng isang drug lord na si Sebastian sa New Bilibid Prison (NBP).
Hindi rin aniya maitatanggi ni Gordon na magkakilala sila ng yumaong drug lord maging ang pagdalaw nito sa bilibid.
Ang tinutukoy naman ng mga larawan na nagpapatunay na personal na magkakilala ang dalawa ay kuha pa noong 2010.
Samantala, matatandaan na ang drug lord na si Jaybee Sebastian ay inanunsiyong namatay noong July 2020 matapos itong tamaan ng COVID-19
