National News
Pagbitiw ng nominees ng P3PWD Party-list, ‘di labag sa batas – expert
Walang paglabag sa batas ang nangyayaring pag-resign ng 5 nominees ng P3PWD Party-list at pag-substitute ng panibagong representatives.
Ito’y dahil hindi pwersado ang pagbitiw nila ayon kay sa panayam ng Sonshine Radio.
Subalit kung sasabihin ng mga ito na hindi sila boluntaryong nag-resign, ibang usapin na aniya ito.
“Sa aking pagtingin, hindi siya ilegal, wala siyang nilalabag na batas dahil on the premise na boluntaryo, hindi puwersado ang pagbitiw nitong 5 ay papayagan siya ng Commission on Election,” ani Agra.
Sinabi din ni Agra na naging basehan sa pag-apruba ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga bagong nominee ay ang resignation letters na natanggap nila sa unang limang nominees ng P3PWD.
Hangga’t wala namang basehan, pwedeng ipagpalagay na official action ng party list at voluntary action ng limang nominees ang nangyayari ngayon sa P3PWD.
