COVID-19 UPDATES
Pagbiyahe ng mga tricycle at taxi sa Davao City, pinanindigan ni Mayor Sara Duterte
Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte sa desisyon nito na payagan ang mga taxi at tricycle na patuloy na bumiyahe sa kabila ng pagpapatupad nito ng 15-day enhanced community quarantine sa siyudad.
Ani Inday Sara, pinapayagan niyang bumiyahe ang mga taxi at tricycle basta’t hanggang dalawang pasahero lang ang isasakay alinsunod sa “physical distancing” measure.
Depensa pa ng alkalde sa kanyang desisyon, kung pagbabawalan niyang pumasada ang mga tricycle at taxi ay malalagay sa mahirap na sitwasyon ang kanilang siyudad dahil mapipilitan ang mga residente nilang maglakad ng higit 20 kilometro para lamang makabili ng pagkain at ibang pangangailangan.
Nakahanda naman aniya siyang humarap sa imbestigasyon ng Department of Intertior and Local Government (DILG) at National Bureau of Investigation (NBI).
Matatandaan na una nang kinuwestyon ng NBI at DILG si Pasig Mayor Vico Sotto matapos nitong payagan ang mga tricycle na pumasada upang serbisyuhan ang mga medical frontliners sa kalagitnaan ng enhanced community quarantine.