National News
Pagbubukas ng klase, posibleng sa Agosto gawin ayon sa DepEd
Tinitingnan ngayon ng Department of Education (DEPED) ang posibilidad na gawin ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto para sa School Year 2020-2021.
Sa isang press briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na base sa kanilang pakikipagkonsulta sa mga business partners at education experts, mahirap ipilit ang hunyo para sa school opening sa kabila ng nararanasang.
Gayunpaman, ikokonsidera pa rin ng DepEd ang rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Dagdag pa ni Briones, ang pagbubukas ng school year 2020-2021 ay hindi ibig sabihin na kailangang pumunta ng eskwelahan ng mga estudyante.
Gagawin aniya ng DepEd ang new approach ng edukasyon gamit ang teknolohiya at communication tools.
Sinabi naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang DepEd commons website commons.deped.gov.ph ay idinesenyo para umasiste sa mga mag-aaral sa kanilang learning process sa pamamagitan ng online system.