Connect with us

Pagbuo ng Environmental Law Enforcement Bureau, hiniling ng DENR sa Kongreso

National News

Pagbuo ng Environmental Law Enforcement Bureau, hiniling ng DENR sa Kongreso

HUMILING ng suporta si Environment Secretary Roy Cimatu sa Kongreso para sa pagpasa ng batas na layong bumuo ng isang Environmental Law Enforcement Bureau sa ilalim ng DENR.

Inihayag ito ni Cimatu sa isinagawang budget briefing ng house appropriations committee sa 25.5 bilyong pisong Proposed 2020 Budget ng DENR.

Ayon kay Cimatu, ang bubuuing Enforcement Bureau ang tutulong sa Environmental Rangers Patrol.

Tinukoy naman ng kalihim na dahilan ng kanyang panukala ang pagpatay ng isang illegal loggers sa isa na namang foresters sa El Nido, Palawan kahapon.

Sinabi ni Cimatu na sa ngayon ay sinasanay na nila ang kanilang foresters na humawak ng shotguns.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top