National News
Pagdala kay FPRRD sa ICC, ‘state kidnapping’ – VP Sara
Tinawag ni VP Sara Duterte na isang uri ng “state kidnapping” ang pag-aresto at pagdala sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.
Sa isang pahayag sa media, sinabi ni VP Duterte na hindi dapat pumayag ang mga Pilipino na ipaubaya ang kanilang kababayan sa mga dayuhan, lalo na kung walang legal na batayan.
Idinagdag din niya na may kaugnayan umano ito sa paparating na midterm elections, kung saan malakas umano ang suporta sa kanilang partido, PDP-Laban.
Matatandaang iginiit ni dating Pangulong Duterte na nais niyang litisin sa Pilipinas kung sakaling may kaso siya.
Muling binigyang-diin din ng dating Pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa kanya, dahil umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2018.
