COVID-19 UPDATES
Pagdalaw sa mga preso, sinuspinde ng BJMP
Ipagbabawal muna ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagbisita sa mga bilanggo bilang pag-iingat sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay ayon kay BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda.
Nagsimula ang implementasyon nito kaninang tanghali at wala ng pinayagan pang dumalaw sa mga preso
Sakop dito ang mahigit 40 kulungan sa National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng BJMP.
Sa ngayon ay wala pang ibinibigay na impormasyon ang BJMP kung hanggang kailan ang suspensyon ng visiting privileges.
Magugunita na una nang nagpatupad ang Bureau of Correction (BUCOR) ng suspensyon sa pagtanggap ng dalaw ng mga preso sa mga bilangguan na nasa ilalim ng kanilang pamamahala.
