Connect with us

Pagdami ng mga Chinese students sa Cagayan, hindi dapat ikabahala – PNP

Pagdami ng mga Chinese students sa Cagayan, hindi dapat ikabahala – PNP

Regional

Pagdami ng mga Chinese students sa Cagayan, hindi dapat ikabahala – PNP

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ikabahala ang publiko sa pagdami ng mga Chinese students sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay PNP PIO Chief Colonel Jean Fajardo, may kaukulang dokumento at may legal na basehan ang lalawigan para payagan ang mga ito na mag aral sa kanilang lugar.

Ayon sa PNP, wala silang nakikitang kaduda-dudang kilos ang mga Tsino sa lalawigan ngunit sakaling may makita silang iligal, agad nilang ipatutupad ang patas na batas dayuhan man o’ lokal.

Una nang nakarating sa tanggapan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na mga espiya diumano ang mga ito sa itinatayong EDCA site ng Amerika sa lalawigan.

Magugunitang personal na tinutukan ni Cagayan Governor Mamba ang pagtatayo nito dahil sa takot na posibleng giyera ang idulot ng nasabing EDCA bases at madamay ang mga residente.

More in Regional

Latest News

To Top