Connect with us

Pagdaraos ng mock elections ng COMELEC, sinimulan na ngayong araw

Pagdaraos ng mock elections ng COMELEC, sinimulan na ngayong araw

National News

Pagdaraos ng mock elections ng COMELEC, sinimulan na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang “mock election” na idinaraos sa iba’t-ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa 2022 national at local elections.

Ayon kay ng Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, isasagawa ang mock polls sa 34 precincts.

Dagdag din ni Jimenez,ang maximum average ng voters sa bawat precinct ay 800.

Gaganapin ang voting simulation sa Metro Manila sa Pasay City, Taguig City at Pateros.

Una na rin sinabi ni Jimenez na fictitious ang pangalan na nakalagay sa test ballots at hindi ang tentative list ng mga kandidato.

Ayon sa opisyal, layon ng aktibidad na makita kung papaano ang magiging performance ng sistema sa halalan.

Samantala, sa Enero 7 inaasahan ng poll body na mailalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 election at sa Enero 15 naman ang target na maumpisahan ang pagimprenta ng balota.

More in National News

Latest News

To Top