Connect with us

Pagdating ng 15,000 dose ng Sputnik V vaccine sa bansa, muling nakansela

Kinumpirma ng (MIAA) na muling   nakansela  ang pagdating ng 15,000 dose ng Sputnik V vaccine na inaasahan darating sana ngayong araw.

National News

Pagdating ng 15,000 dose ng Sputnik V vaccine sa bansa, muling nakansela

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na muling nakansela  ang pagdating ng 15,000 dose ng Sputnik V vaccine na inaasahan darating sana ngayong araw.

May 1 ang bagong tentative schedule ng pagdating ng naturang bakuna na lulan ng Qatar Airways Flight QR 932 mula  Moscow- Doha Qatar to Manila na lalapag dito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3.

Matatandaan na una ng na delay ng dalawang araw ang pagdating nito noong April 26 naantala ito dahil sa ilang logistic issues at export requirements sa bahagi ng Russia.

Sinabi ni Deputy Chief Implementer NTF Against COVID-19 Secretary Vince Dizon na kung dumating ang bakuna, ito ay gagamitin sa Metro Manila.

Limang Local Government Units (LGUs) lamang ang maaring makakuha ng naturang bakuna,kabilang na dito ang lungsod ng Manila, Taguig, Makati, Paranaque at Muntinlupa kung saaan tig 3,000 dose ang maipagkakaloob sa kanila.

Matatandaan August 2020 nang aprubahan ng Russia ang pagamit sa sputnik V vaccine habang una naman itong pinagkalooban ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) kaya maari nang simulan ang vaccination program ng naturang bakuna sa panahon na dumating ito sa bansa.

Nabatid na ang Sputnik V ay mayroong efficacy rate na aabot sa 91.6 % at ibibigay ito sa pamamagitan ng dalawang dose.

May dalawang uri din ng Sputnik V vaccine ito ay ang likodo at pulbos.

Ang liquid dose ay kinakailangang ilagay sa ultra cold termperatures habang ang powder naman ay ihahalo sa tubig bago ibakuna na dapat ilagay sa normal fridge na 2-8 C°.

Inaasahan naman ang nasa 480,000 dose ng bakuna mula sa Sputnik V ang darating sa bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top