Connect with us

Pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise, walang mali – dating Sen. Enrile

operasyon ABS-CBN press freedom

National News

Pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise, walang mali – dating Sen. Enrile

Hindi unconstitutional na maituturing ang pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise.

Ito ang naging pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile sa programa nitong “Dito sa Bayan ni Juan” sa Sonshine Radio.

Aniya, kung hearing lang naman ang gagawin ng Senado ay hindi ito ipinagbabawal ayon sa Saligang-Batas.

Pero paglilinaw ni Enrile na kung ang pag-uusapan ay ang extension ng operation ng network, ito ang malinaw na labag sa Konstitusyon.

“Yung sinasabi nilang they can extend the operation of the ABS-CBN with a resolution of the Congress, that’s unconstitutional. A law is law. When a law terminates, kagaya ng franchises, tapos na yun. The franchise holder cannot continue. It’s a privilege lang yan with a term,” pahayag ni Enrile.

Dagdag pa rito, ipinaliwanag ng dating senate president na ang quo warranto proceeding na isinampa ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN ay nararapat lang dahil ang isyu ay patungkol sa batas.

“May quo warranto proceeding. Ano ba yung quo warranto proceeding? It is a proceeding authorized by the rules of court. Dalawa yan, quo warranto at declaratory relief – for the interpretation of a provision of the Constitution, whether the term ownership there covers PDR. There’s no facts involved; it’s a question of law, not a question of fact,” paliwanag ng dating senador.

na mag-participate ang mga banyaga sa kanilang network, na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Saligang-Batas.

“Sinabi ng ating Saligang-Batas na ang lahat ng media business – television, radio, newspapers ay purely Pilipino ang may-ari. Kung korporasyon, yung mga stockholder must be all Filipinos. Hindi pwedeng haluan maski isang share of stock,” pahayag ni dating Sen. Enrile.

Ayon pa sa dating senador, ginagamit umano ng ABS-CBN ang Philippine Deposit Receipt o PDR para makakuha ng kapital sa banyaga at pinapalabas na hindi ito share of stocks.

“Ngayon ang ginagawa nila, nilalagay nila yung pera sa korporasyon. There are only three ways putting money in a corporation: donation, loan and investment. Kung investment, ordinarily, it should be in the form shares of stocks, voting shares o preferred shares. Ngayon, dahil bawal sa Saligang-Batas ang magkaroon ng common shares and preferred shares sa Korporasyon, ang ginawa ng mga abogadong ito, sabi nila, ‘[G]umawa kayo ng isang resibo lang. Paresibuhan ninyo yung pera do’n sa korporasyon, pero hindi kayo magbabayad ng interes, ang babayaran ninyo, kung kikita yung korporasyon, may share yung may hawak ng resibo,” pagpapaliwanag ni Enrile.

Aniya, kung pwede ang practice na ito, dapat ay ginawa na lang itong preferred share na kung saan isang shareholder rin ang may-ari nito at nakakatanggap ng dividends ngunit wala lang aniyang voting rights.

“Kung pwede yan, bakit hindi mo ilagay sa preferred share? Preferred share na yun eh. You participate in an equal par, a portion of the profits of the corporation, hindi interest. That’s a badge of ownership. Nahuli sila (ABS-CBN),” pahayag ni Enrile.

Dagdag pa ni Enrile, kapag napagdesisyunan ng Korte Suprema ang kaso ng ABS-CBN kaugnay ng PDR, marami ang maapektuhan nito.

“Pag dinesisyunan ng Korte Suprema yung ABS-CBN, pati lahat ng may PDR tangay lahat ‘yan. Preceded yun eh.”

Sinabi rin ni Enrile na kung magdedesisyon ang Korte Suprema at sinabing walang ownership ang ABS-CBN, ito ay makakaapekto sa kwalipikasyon ng network na magkaroon ng prangkisa.

“Pag yung desisyon ng Korte Suprema ay sinasabing tama nga they should not have ownership, the corporation can continue but there’s a violation. So, that violation goes into the qualification of ABS-CBN to continue in engaging in that kind of a business because they violated the Constitution.”

Mariin din sinabi ni Enrile na walang sinoman ang maaaring lumabag sa Saligang-Batas ‘pagkat ito na ang pinaka mataas na batas sa lupa.

“Nobody can violate the Constitution, not even our President , not even Congress, not even the Supreme Court. Nobody. It’s the highest law of the land,” pagdidiin ni Enrile.

Panoorin ang bahagi ng pahayag ni dating Sen. Enrile:

Enrile sa pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise

Pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise, walang mali – dating Sen. Enrile

Posted by DZAR 1026 on Sunday, 23 February 2020

 

More in National News

Latest News

To Top