National News
Pagdinig ng Senado sa usapin ng Cha-Cha, magpapatuloy
Itutuloy ngayong araw, ika-12 ng Pebrero ng Senado ang pagdinig kaugnay sa Resolution Of Both Houses Number 6 (RBH#6) na nagsusulong sa pag-amyenda sa ilang economic provisions ng Saligang Batas.
Inaasahang dadalo sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revisions of Codes na pangungunahan ni Senador Sonny Angara kasama ang ilang legal at economic experts kabilang sina dating Chief Justice Antonio Carpio, Professor Clarita Carlos at maraming iba pa.
Kasabay nito nanawagan si Senador Chiz Escudero na sana ay magpatuloy ang pagdinig na may respeto mula sa 2 kapulungan ng kongreso.
Umaasa ang senador na igagalang ng mga kongresista ang pagdinig at hindi mamadaliin ang mga senador.
Magugunitang una ng nanawagan ang mga kongresista sa mga senador na magkaroon na ng desisyon bago ang buwan ng Marso.
