Connect with us

Pagdinig sa Senado kaugnay sa nawawalang balikbayan boxes ng mga OFW, patuloy na ipinanawagan

Pagdinig sa Senado kaugnay sa nawawalang balikbayan boxes ng mga OFW, patuloy na ipinanawagan

National News

Pagdinig sa Senado kaugnay sa nawawalang balikbayan boxes ng mga OFW, patuloy na ipinanawagan

Nanawagan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Senado na magkaroon ng pagdinig o imbestigasyon sa patuloy na nawawalang balikbayan boxes ng mga OFW.

Ayon sa 1 grupo, marami na silang natatanggap na reklamo.

Halos hindi na mabilang ang mga dokumento at hawak na reklamo ng 1 grupo ng mga OFW dahil sa patuloy na nawawala ang mga balikbayan boxes ng mga manggagawang Pilipino abroad.

Gaya ni Rutchie kung saan-saan na daw siya itinuturo para matukoy ang nawawala niyang balikbayan boxes.

Sinabi rin ni Rutchie na pumunta na rin siya sa kanilang forwarder at itinuro ang Bureau of Customs (BuCor) hanggang makarating na rin siya sa Manila International Container Terminal (MICT) pero bigo pa rin na makuha ang kanilang balikbayan boxes.

Nag-aalala na ito na baka mauwi na rin sa auction kung tuluyan na daw siyang mabigo na makuha ang kanilang balikbayan boxes.

If ever na i-auction ‘yan hindi pa rin naming maano, sira na lahat ng lamang ng mga boxes namin, kasi may 2 taon na sa amin, may 1 taon na ‘yung box nila hindi pa rin na deliver, hindi na kita kung nasaan , eh tig-4 na box sa 1 tao, ganun kadami ang mga balikbayan box na nawawala,“ ayon kay Overseas Filipino Worker, Rutchie Mabalatan.

Paliwanag ni Jeffrey ang chairman ng OFW assistance advocates, buwan ng Pebrero pa lang ng taong kasalukuyan ay 5 senador na ang nabigyan niya ng sulat para magsagawa ng pagdinig kaugnay sa hinaing ng libu-libong mga OFW na nawawalang ng balikbayan boxes.

 “So tayo paulit ulit pa rin nagpunta, ang ginawa ko na naman ulit, ito April 1, 5 senador, bigyan sana kami ng, maalalayan sana kami ng mga senador na ito para sa gagawing hearing sa balikbayan boxes, until now.”

“Wala pa ring nangyari,” ayon naman kay OFW assistance advocates, Chairman Jeffrey Balsa.

Sa mga ipinadalang sulat, tanging si Senator Lito Lapid lamang ang naglabas ng resolusyon noong buwan ng Marso para imbestigahan ito.

Sa inihaing Senate Resolution No. 950, hiniling ni Lapid sa Senate leadership na agad aksyunan ang nasabing problema dahil mahalaga umanong mabigyan ng leksyon at parusa ang mga delingkwenteng at manggagantsong cargo foreign at local forwarders.

Giit ni Lapid, dapat anyang mabigyan ng kagyat na solusyon ang hinaing ng mga OFW sa pamamagitan ng malilikhang batas at matiyak na hindi na ito mauulit pa sa susunod na panahon.

Ikinadismaya ni Lapid ang ganitong istilo ng mga cargo forwarding company sa abroad at sa Pilipinas dahil inaabot ng ilang buwan hanggang 2 taon bago mai-deliber ang mga balikbayan box.

Pero, ayon sa grupo kahit naglabas na ng resolusyon ay patuloy pa rin ang natatanggap na reklamo sa nawawalang balikbayan boxes ng mga OFW.

“Bakit kapag ibang isyu ang bilis nyong maglabas ng resolusyon, ang bilis nyong magsagawa ng imbestigasyon, bakit sa aming mga OFW? ito tingnan niyo kung gaano kakapal ang mga evidence namin, isama mo pa to, ‘yung para sa kanya isama mo pa ‘yan gaano kakapal na ebidensya na balikbayan?” ani OFW assistance advocates, Chairman, Jeffrey Balsa.

“So ang nangyayari sa inyo ngayon ay katulad sa common na nangyayari noon nang hindi pa si tatay Digong ang umupo as presidente para kayong bola, pingpong,“ ayon naman kay OFW advocate, Katrena Verona.

Sinabi naman ni Atty. Roy M. Señeres,  kung wala pa rin aksyon ang Senado ay maaari naman direktang ireklamo ang cargo companies dahil sa mga nawawalang balikbayan bayan boxes ng mga OFW.

“May nakikita po tayong criminal liability on the part of the forwarders or cargo companies na punishable under the revised penal code, nakikita po natin dito na meron ditong deceive or fraud, meron ditong malice,” pahayag ni OFW Family Club Inc.  President & CEO, Atty. Roy M. Señeres.

Sinabi din ni Señeres na handang tumulong ang kanyang tanggapan para sa mga OFW na nawawalan ng balikbayan boxes.

 “Yung initial step po dito is ‘yung paghain ng complain affidavit nila, gagawin pong pormal ‘yung mga sumbong nila, ‘yung mga sinulat po nila dito, ‘yung affidavit po nila mismo ang gawing pormal, tutulong po tayo diyan at ma-organize ‘yan,” saad pa ni OFW Family Club Inc. President & CEO, Atty. Roy M. Señeres.

More in National News

Latest News

To Top