National News
Pagdiriwang ng EDSA Anniversary, naging maayos at mapayapa-PNP
Naging maayos, mapayapa at matagumpay ang pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution 34th Anniversary ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na walang naiulat na anumang untoward incident sa buong araw na paggunita sa EDSA People Power Revolution.
Samantala, nagdeploy naman ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit sa 2,000 pulis para sa seguridad sa palibot ng EDSA People Monument at karatig na lugar.
Sinabi ni NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar na wala silang namonitor na banta sa seguridad kasabay ng mga isinagawang protesta sa araw ng selebrasyon ng EDSA People Power Revolution.