Connect with us

Paggamit ng AI sa 2025 election, gustong ipagbawal ni Comelec Chair Garcia

Paggamit ng AI sa 2025 election, gustong ipagbawal ni Comelec Chair Garcia

National News

Paggamit ng AI sa 2025 election, gustong ipagbawal ni Comelec Chair Garcia

Ngayon pa lang nagpahayag na si Commission on Election (Comelec) Chairman Atty. George Garcia na hindi ito pabor sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pangangampanya para sa 2025 elections.

Sa isang sulat, inirekomenda ni Garcia sa Comelec en banc na ipagbawal ang AI sa pangangampanya.

Sinabi nito na nag-aalala ang mga eksperto patungkol sa panganib ng AI, lalo na ang deepfakes na maaaring magamit sa panlilinlang at maghasik ng maling impormasyon sa mga botante at mga kandidato.

Binanggit niya ang isang pangyayari kung saan kahit ang pangulo ng bansa ay naging biktima daw ng mga AI-generated na deepfake videos na ang layunin ay lokohin ang mga manonood.

Ayon kay Garcia, ang pag-abuso sa teknolohiyang AI sa mga materyales ng kampanya kabilang ang mga video, audio, at iba pang anyo ng midya ay maaaring magdulot ng misrepresentasyon sa halalan.

“Alam po natin modern technology, bakit ba hindi? Subalit dapat kapag kampanya ikaw mismo ang nakikita ng sambayanan. Ikaw mismo ang nanliligaw sa kanila.”

“Masyado po itong threat sa ating demokrasya. Masyadong threat ito sa tunay na ginagawa kapag mayroong halalan at kapag merong kampanya,” ayon kay Comelec, Atty. George Garcia.

Ayon naman kay dating Cong. Edgar Erice, maaaring magkaroon ng regulasyon ang Comelec sa paggamit ng AI pero ang tanong sa paanong paraan ito maire-regulate ng Comelec?

“Pwedeng regulation. Pero papaano mo i-reregulate yong kandidato. May lumabas na ganito, pwedeng sabihin niya na hindi naman ‘yan galing sa amin parang poster, bawal dito, may maglalagay pa rin pero sasabihin ng kandidato hindi naman ako naglagay niyan,” ayon naman kay Former Cong. Edgar Erice.

Ayon naman kay Tech Expert Art Samaniego, dapat na pagbawalan ang social media sa paggamit ng AI.

“So anong mga source ng mga AI? Social media. Facebook, X, saka Instagram,” saad ni Tech Expert, Art Samaniego.

Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian, dapat matukoy ng Comelec anong mga application ng AI ang dapat na i-ban.

“We have to clarify din kung anong ibaban sa AI dahil masyadong malawak ang application ng AI. Nasabi ko nga kanina, di malayo na you can ask AI, pwede mong sabihin gawan mo ako ng commercial, gagawan ka niya ng commercial. So, may mga applications na legal at may mga apllication na illegal example gumawa ka ng advertising laban sa kalaban mo, you have to really narrow down kung ano ba ‘yung pagbabawalan. Admittedly the AI is the moving target kaya dapat ang regulator na Comelec mabilis din,” pahayag ni Sen. Sherwin Gatchalian.

More in National News

Latest News

To Top