Connect with us

Paggamit ng e-cigarette o vape, mapanganib – WHO

Health

Paggamit ng e-cigarette o vape, mapanganib – WHO

Nilinaw ng World Health Organization at Department of Health na mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng vapes.

Ginagawa ng WHO at DOH ang pahayag kasunod ng ipinakakalat na impormasyon ng mga manufacturer at user na ligtas gamitin ang vapes.

Kaugnay nito, inilunsad ng WHO ang bagong ICD Codes para sa mga karamdaman na dulot nang paghitit ng e-cigar.

Ang New International Classification of Disease o ICD 20 Code U07.0, ay international tool na gagamitin upang maklasipika at marekumenda ang naturang sakit, na gagamitin sa pagrereport ng mga pasyenteng tinamaan ng malalang sakit dulot nang paggamit ng e-cigar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inilalagay lamang ng mga gumagamit ng vape ang kanilang buhay sa peligro.

Batay naman aniya sa datos ng Estado Unidos, mayroon ng 1,299 na kaso ng vape-related illness kung saan 26 dito ang namatay.

More in Health

Latest News

To Top