Connect with us

 Paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot, mas epektibo

Mas epektibo ang ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot. Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pangulo ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

National News

 Paggamit ng ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot, mas epektibo

Mas epektibo ang ibang brand ng bakuna para sa ikalawang booster shot.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, pangulo ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng gobyerno.

Paliwanag ni Cabotaje, mas epektibo ito dahil nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon bukod sa regular o ang tinatawag na homologous primary booster.

Gayunman, nilinaw ni Cabotaje na ang paggamit ng ibang vaccine brand para sa ikalawang booster shot ay nanatili pa ring rekomendasyon sa ngayon dahil hindi pa ito aprubado.

Samantala, hinihintay na rin ngayon ang pag-apruba ni Health Secretary Francisco Duque para sa rollout ng ikalawang booster shot para sa karapat-dapat na mga grupo.

More in National News

Latest News

To Top