Connect with us

Paggamit ng Navy ship sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ikinokonsidera rin ng pamahalaan

Paggamit ng Navy ship sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ikinokonsidera rin ng pamahalaan

National News

Paggamit ng Navy ship sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ikinokonsidera rin ng pamahalaan

Nilinaw ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi malayong gawin ng Pilipinas ang paggamit ng Navy ship sa mga susunod na resupply mission nito sa Ayungin Shoal.

Pero paglilinaw ng kalihim, depende ito sa rekomendasyon ng Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Security Council (NSC) kung kailangan nga ba ang paggamit ng mas malalaking barko sa naturag resupply mission ng bansa.

Iginiit ng kalihim na hindi nito maaaring pangunahan ang desisyon na ito bagkus nangangailangan ito ng mas malalim na proseso ng pag aaral bago ito isagawa.

Nauna nang kinondena ni Teodoro ang muling pangha harass na ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel sa mga barko ng Pilipinas habang naglalayag ito patungong BRP Sierra Madre na nakabase sa Ayungin Shoal.

Bagamat walang water attack na ginawa ng Tsina, pero aminado ang kalihim na delikado at iresponsable ang ginawang pagmaniubra at paggitgit ng CCG laban sa ilang barko ng Pilipinas.

More in National News

Latest News

To Top