Connect with us

Paggamit ng News5 sa Altermidya bilang fact-checker, kinuwestiyon ni Pastor Quiboloy

Paggamit ng News 5 sa Altermidya bilang fact-checker, kinuwestiyon ni Pastor Quiboloy

National News

Paggamit ng News5 sa Altermidya bilang fact-checker, kinuwestiyon ni Pastor Quiboloy

Matapang na kinuwestiyon ng honorary chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang paggamit ng News5 sa Altermidya network bilang kanilang fact-checker.

Sa kanyang live program na Powerline, tinawag ni Pastor Apollo na “liar checker” ang nasabing website.

Samantala sa programang Laban Kasama ang Bayan, isiniwalat din ng dating kadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz na ang nasabing network ay sinusuportahan ang teroristang komunistang CPP-NPA-NDF.

Ani Pastor Apollo, malinaw na isang pagtataksil sa bayan ang ginagawa ng mga ito na panloloko sa taumbayan.

Matatandaan na kamakailan lang ay isinailalim sa fact-checking ng nasabing network ang pahayag ni Pastor Apollo na nagiging recruitment agency na ng mga rebelde ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at ang iba pang state universities.

Agad naman itong sinagot ng butihing pastor at pinatunayan na ang lahat ng kaniyang ibinubunyag ay totoo.

Kabilang na dito ang pagbanggit mismo ni Pastor Apollo sa mga na-recruit ng mga legal front ng CPP-NPA-NDF mula sa University of the Philippines na nasawi sa mga engkwentro ng NPA at militar.

Kaugnay nito, hayagang sinabi ni Pastor Apollo na kaya niyang ibunyag ang mga kasinungalingan ng naturang fact-checker.

Sa kabilang banda, pinayuhan ng butihing pastor ang mga mainstream media na makipagtulungan na lang sa gobyerno para sa nation-building kaysa pabagsakin ang pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top